
Ang Bicol ay matatagpuan sa Timog Silangan ng Luzon. Ito ay kabilang sa Rehiyon V ng Pilipinas na binubuo ng limang lalawigan. Sa lugar ng Bicol ay makikita ang iba’t ibang tanawin na kapupulutan ng aral at mga masasarap na putahe dahil sa kakaibang sangkap at kakaibang pagluto.
KASAYSAYAN NG BICOL
Ang Bicol ay nakilala dahil sa pagsabog ng Mt. Mayon na gumising sa milyong pilipino na naapektuhan sa makasaysayang pangyayari. Ilan sa mga lugar na naapektuhan ay ang Albay, Sorsogon, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur. Ang mga iba’t ibang pagdiriwang sa Bicol ay ang naging daan sa muling pagunlad at pagkilala sa lugar.
PAGDIRIWANG SA BICOL
Ang mga ilang pagdiriwang sa Bicol ay ang Penitensiya na nangangahulugang pagsisisi. Ang mga kalalakihan ay nagpruprusisyon sa bawat istasyon ng krus at magdadasal upang humingi ng patawad sa Diyos sa kanilang mga kasalan at ang pagbaba ng anghel upang kunin ang korona ng Birheng Maria na nagaganap tuwing mahal na araw. Flores de Mayo na ang kahulugan ay bulaklak ng Mayo. Ito ay isa sa mga debosyon tuwing Mayo sa mahal na Birheng Maria at tumatagal sa buong buwan. Ang Santacruzan na nagmula sa Spanish na santa cruz ay nangangahulugang banal na krus ay isang ritual na pagdiriwang na gaganapin sa huling araw ng Flores de Mayo.
MGA TAO SA BICOL
Ang tawag sa mga taong taga-Bicol ay Bicolano para sa mga lalaki at Bikolana para sa mga babae. Sila ay mainit na tumatanggap ng mga bisita na handang hainan kahit sa hirap ng buhay handa silang magasikaso ng kanilang mga bisita at hainan ng espesyal na putahe. Ang mga pangkaraniwang hanap buhay ng mga tao sa bicol ay ang pangingisida at pagtatanim. Maraming mga pamilya sa Bicol ang naghihirap dahil sa kawalan ng hanap buhay karamihan pa dito’y hindi permanente sa trabaho at saglitan lamang ang pagtratrabaho dahil hindi sapat sa kanilang pangangailangan.
Kilala ang mga Bikolano at Bikolana dahil sa kanilang hilig sa pagkain ng mga maaanghang na putahe o ano mang pagkain. Sa kanilang kahiligan sa pagkain ng maanghang ang iba’t ibang mga pagkain ay kanilang nagagawan ng paraan upang madagdag ang anghang na kanilang ninanais.
PAGKAIN SA BICOL

Ilan sa mga pinagmamalaking putahe ng mga Bikolano ay ang Bikol Express ito ay nilaga sa mahabang oras sa gatas ng niyog, sibuyas, bawang, shrimp paste at ano mang karne ang naisin.

Ang Laing ay niluluto sa tuyong dahon ng gabi, mga piraso ng karneng naisin, shrimp paste at ang ang di pwedeng mawala ay ang sili.

Ang Ginataang Santol ay niluluto sa katas ng niyog, giniling na santol, karneng naisin, sibuyas, bawang at ang sili.
MGA PRODUKTO NG BICOL
Isang kultura ng mga Pilipino ay ang mga pasalubong na binibili sa mga lugar na napuntahan upang paalala at pasalubong sa mga pamilya paguwi. Sa Bicol hindi malilimutan ang pagbili ng mga produkto na tulad ng iba’t ibang klase ng Pili o Pili Tart.


-
Featured
My First Blog Post
Be yourself; Everyone else is already taken. — Oscar Wilde. This is the first post on my new blog. I’m just getting this new blog going, so stay tuned for more. Subscribe below to get notified when I post new updates.
-
Young Climate Activists for the Future Generation
A young activists condemns world leaders saying governments have betrayed young people. In a very young age of 16, Greta Thunberg sparkled an international movement to fight climate change beginning in 2018. Greta Thunberg is 16 years old, born on January 3, 2003 in Stockholm. She was diagnosed with Asperger syndrome, obsessive-compulsive disorder (OCD), and… Read more
Follow My Blog
Get new content delivered directly to your inbox.